
TIKTOK STAR OF THE DAY
TALAGANG sisipaging mag-scroll ang sino mang mapapadpad sa kanyang account dahil sa contents niyang may dalang positive vibes.
Nakakahawa nga ang karisma sa mga videos ng TikTok star na si Jennie Matoque.
Sa kanyang TikTok account na @_heyjennieyonig, unti-unting umuusbong ang ngalan ni Jennie.
Relatable ang contents niya sa TikTok. Ang kanyang quotes at life lessons na ibinabahagi sa mga videos, talaga namang ikatutuwa ng netizens.
Sa Instagram naman, ang account niyang @heyjenniey, matutunghayan ang siguradong pupusuan ng netizens niyang charm. Mala-dyosa ang ganda ni Jennie sa kanyang selfies, habang pagdating sa bikini, umaapaw ang kanyang hotness.
Bakas nga sa kanyang page na hilig niyang mag-travel. Bukod sa maganda ang tanawin ng kanyang magandang wangkata, nice view rin ang makikita sa mga larawan niya.