
TIKTOK STAR OF THE DAY
KUNG may bagay na magpapakalma sa magulong mundo ng social media, si Tricia Santos (@itstricias) ang sagot. Sa kanyang aura na punung-puno ng serenity at charm, para kang nakahanap ng tahimik na pahingahan sa gitna ng ingay.
Bagamat tinuturing na rising star pa lamang, ang impact niya ay parang alon — unti-unting nararamdaman at mahirap ng mabitawan. Ang feed ni Tricia ay hindi lang basta TikTok content; ito’y tila isang sesyon ng mental therapy na nagbibigay ginhawa at saya sa kanyang audience. Mula sa wholesome vibes ng kanyang mga post hanggang sa mala-poem niyang aura, hatid niya ang kakaibang kombinasyon ng ganda at payapa.
Si Tricia Santos ay patunay na hindi kailangang maging pasabog ang lahat. Minsan, ang tahimik na alon ay mas malakas ang epekto sa puso’t isip.
Abangan ang journey niya sa TikTok — malamang, bago mo pa malaman, isa ka na sa libu-libong nahumaling sa kanyang magic.