
TIKTOK STAR OF THE DAY
BLESSING sa inyong “for you page” o Instagram feed ang kanyang pagdating dahil si Grace ibang klaseng bituin.
Si Grace Vargas ay isa sa mga rising TikTok star ng social media. Ang kanyang account na @realgracevargas na may halos 170K nang followers, kabogera ang bebot sa kanyang video contents. Mula sa pov videos, lip syncing, lifestyle, at lahat ng nagba-viral na contents sa video-sharing app, kayang makipagsabayan ni Grace sa kanila.
Sa Instagram account din niyang @gracevargasofficial, hindi pahuhuli ang digital creator na magpamalas ng kanyang nag-uumapaw na alindog para sa kanyang mga tagasubaybay. Fashionista, iconic beauty look, at legendary sexiness, swabeng kayang i-showcase ni Grace.
Sino ba namang hindi mahuhumaling sa sa biyayang hatid ng ating TikTok star ngayon. Ano pa bang dapat gawin? Si Grace kilalanin!