
TIKTOK STAR OF THE DAY
KUNG hanap mo ang winning streak sa TikTok, siguradong si Pamela Gacutan ang sagot! Si @pamelagacutan, na may 150.9K followers at 601.6K likes, ang online casino brand ambassadress na hindi lang mahusay sa paghahanda ng cards kundi pati na rin sa paghahain ng kilig at saya sa kanyang mga content.
Sa kanyang TikTok videos, tila laro ng kapalaran ang bawat pag-scroll — hindi mo alam kung mapapangiti ka, mapapahanga, o baka naman maswertehan mo siyang mapansin! Hindi lang jackpot ang dala niya, kundi kakaibang vibe na bihirang matagpuan sa app.
Sa bawat pag-post niya, parang sinasabing, “Tumaya ka sa pagiging fan ko, at baka sa huli, ako naman ang sumugal para sa’yo.”
Kay Pamela Gacutan, ang sugal ay hindi kailanman talo. Sa TikTok man o sa casino, isa lang ang malinaw: panalo ka kapag siya ang iyong pinili.