Tiktok3

TIKTOK STAR OF THE DAY

September 10, 2024 People's Tonight 293 views

TiktokTiktok1Tiktok2Tiktok4SWEET like an angel ang ibinubugang awra ng rising TikTok star na si Shannen Mae, pero halimaw ang kaya niyang ihandog na alindog sa madla.

Hindi man ganun karami ang followers ni Shannen sa kanyang TikTok account na @adelantarsha kumpara sa iba, hindi papakabog ang dalaga sa husay niya sa paggawa ng contents.

Mula beauty, skincare, at lifestyle, kayang-kayang makipagsabayan diyan ng social media star.

Kabogera ang aesthetically pleasing feed ni Shannen sa kanyang Instagram account na @adelantarsha. Mala-museum kung bibisitahin ang beauty niya na masisipat sa selfies, at magandang landscape kung maituturing ang lugar na mga napupuntahan niya pati na ang angking charisma ng digital creator.

Pasabog kung ibandera ng dalaga ang kanyang kaseksihan at kariktan. Maging ang brand partners ng dalaga ay makikita sa kanyang account na nangangahulugang epektibo ang kanyang social media presence.

AUTHOR PROFILE