
TIKTOK STAR OF THE DAY
“CORE memory” ang mae-experience ng netizens sa pagbabandera ng TikTok star na si Chyna Saveron ng kanyang overflowing na ganda sa social media.
Si Chyna at ang kanyang TikTok account na @chy.ablero ay isa sa mga nagpapangiti sa mga kelot.
Ang kanyang mga dancing at lip syncing contents “never misses.” Mahusay sa awrahan si Chyna lalo na kung ang kanyang kariktan ang inihahain sa madla.
Sa Instagram account naman niyang @chy.saveron, “life goes on” ang atake ng social media star.
Abot langit nga ang ngiti ng kanyang male followers sa tuwing nagpo-post ng selfie ang social media star at kapag ipine-flex nito ang perpekto niyang hubog.
Perfect nga sa kanya ang pagiging island girl, dahil bukod sa mahal niya ang pagta-travel, mahal niya rin ang nature, kaya natural na rin sa kanya na i-share sa social media ang magagandang isla na kanyang napupuntahan.
Regalo na rin niya sa mga tagasubaybay ang pasabog niyang bikini photos.