
TIKTOK STAR OF THE DAY
HINDI lang sa Instagram naghahasik ng kaseksihan ang tinaguriang “Braless Goddess” na si Sunshine Guimary dahil na-invade na rin niya pati ang Tiktok world.
Gamit ang handle name na @sunshine_guimary8, meron siyang 21.3K followers na busog ang mga mata sa angkin niyang alindog.
Cebu-based ang model/Viva actress na ipinanganak sa China.
Mula sa pagiging sikat na socmed influencer, kinontrata si Sunshine ng Viva at nakalabas na sa mga pelikulang tulad ng “Kaka” (launching picture niya) “Shoot Shoot! Di ko siya Titigilan!” ni Andrew E at “House Tour” na ipinalabas sa Netflix.