Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

May 18, 2024 People's Tonight 326 views

Tiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok4NASA kanya na ang perfect sangkap ng isang content creator. Kaya nga kering-keri niyang makipagsabayan sa nag-uusbungang mga bituin sa social media. Sa TikTok, siya ang star.

Si Kristel Mae Millado at ang kanyang TikTok account na @kiteee24 ay patuloy na naghahain sa halos 270 thousand niyang followers sa nasabing video-sharing apps ng flavorful na contents.

Mula sa kanyang lifestyle contents, mga foodtrip mini vlog, pag-lip sync sa mga viral sounds, hanggang sa kahali-halina niyang karisma, talaga namang panalo ang mga tagasubaybay ni Kristel.

Sa Instagram account niyang @kristel_millado, pasabog ang pagbabandera niya ng kanyang bikini body at beach lifestyle. Kabogera ang ganda ng kanyang katawan at kinis ng balat. Kahit na sinong kelot ay susundan ang kinang ng kanyang bituin.

Wala na ngang makakapigil sa patuloy na paglakas ng social media presence ni Kristel, isa nga sa mga ebidensya nito ay ang ilang brand partners niya at takaw-engagements na mga contents.

AUTHOR PROFILE