
TIKTOK STAR OF THE DAY
HINDI mo aayawan kapag ang social media contents ng TikTok star na si Jolyn Yauco ang inihain sayo.
Patok sa social media star ang paggamit ng mga patok na templates sa TikTok. Sa kanya ngang account na @jolynyauco1, makikita ang mga cute at aesthetically pleasing na mga effects at collage sa kanyang videos.
Hindi rin pahuhuli ang kanyang Instagram account na @jlynyc_. Nasasaksihan ang kanyang lifestyle contents ng higit 280 thousand followers niya. Kapansin-pansin din ang pagiging fashionista ni Jolyn, winner ang sexy at stylish outfits niya sa mga larawan.
Sumisirit ang karisma niya sa mga expensive looking selfies nito sa kanyang page. Hindi maipagkakailang mamamayagpag pa ang kanyang pangalan bilang bituin ng digital world.