
TIKTOK STAR OF THE DAY
PARAISO ang matatagpuan sa social media pages ng TikTok star na si Camilla Hernandez.
Sa kanyang account na @camilla_hernandez6 sa nasabing video-sharing app, masasaksihan ang ganda ng Filipina. Kabogera kung umawra si Camilla sa kanyang mga videos. Tila may hipnotismong hatid ang pag-lip sync niya sa mga viral songs sa TikTok. Kaakit-akit ang halimuyak ng kanyang beauty.
Literal na langit ang dala ng beach life ng social media star sa Instagram. Sa account niyang @camilla_hernandez, kayang ihain ni Camilla ang “best view.”
Hindi lang mga tanawin sa background ng kanyang pictures ang makalaglag-panga, dahil maging ang kanyang kaseksihan ay nakakatulala.
Breathtaking ang kanyang kariktan. Ang kanyang karisma ay talaga namang pinanggigigilan.