
TIKTOK STAR OF THE DAY
TALAGANG sisipaging mag-scroll ang sino mang mapapadpad sa kanyang account dahil sa contents niyang tila hipnotismo para sa halos 400 thousand niyang followers.
Nakakaadik nga ang karisma sa mga videos ng TikTok star na si Elena Alladanac sa kanyang account na @jenalladanac sa nasabing video-sharing app.
Dinudumog ng likes, shares, at libo-libong views ang kanyang mga paggiling sa dance challenges. May ningning ang kanyang mga kindat sa pag-awra niya habang ibinabandera ang beauty sa mga videos.
Proud Pinay si Elena sa kanyang social media pages. Pinatunayan niyang may ibubuga ang gandang sariling atin.
Sa kanya ngang Instagram page ne @jenalladanac, takaw-pansin ang bikini ng dalaga na tubong Cebu.
Pasabog ang ganda ng hubog ng kanyang katawan. Kaya nga hindi siya inaayawan ng mga followers niyang kalalakihan.
Hindi lang kaseksihan ang kayang ipakita ni Elena, may taglay rin siyang elegance na nakaka-wow at tamang timpla sa kanyang personality.