Cat4

TIKTOK STAR OF THE DAY

May 6, 2024 People's Tonight 595 views

CatCat1Cat2Cat3RELATABLE ang TikTok star na si Catryona Lei Perez dahil sa kanyang mga contents lalo na ang mga “point of view” videos nito.

Sa mga video captions niya, talaga namang mapapa-agree ka sa mga inihahain ni Catryona, kaya nga ito humahakot ng libo-libong views mula sa netizens.

Bukod sa mga nabanggit, nakakatuwa rin ang mga lifestyle videos ng social media star sa kanyang TikTok account na @_catryonalei kung saan “brutalita” ang kanyang alyas na inilagay. Kasalukuyan nga itong may higit 220 thousand followers.

Hinahangaan din ng netizens si Catryona sa kanyang natatanging ganda at kaseksihan. Patok na patok nga sa mga kelot ang kanyang lip syncing videos kung saan mapapanood siyang umaawra at ipine-flex ang kanyang karisma at ganda ng katawan.

Sa Instagram page naman niyang @_ayecatxryona, sumisigaw ang pagiging epektibo niyang content creator dahil sa brand partners ng dalaga.

Mapapa-wow rin ang mga kelot na bibisita sa kanyang account dahil sa kabogera niyang photoshoots kung saan bidang-bida ang curvaceous body niya at kakinisang taglay.

Na-ban man ang kanyang naunang account, hindi tumigil si Catryona upang mamayagpag sa social media. Patuloy niyang pinagningning ang kanyang ngalan at pinatunayang may ibubuga sa digital world.

AUTHOR PROFILE