Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

April 21, 2024 People's Tonight 257 views

Tiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok4Tiktok5CUTE yarn? Aniya nga, “The chubbier the cheeks the bigger the heart.” Hindi lang heart ang big sa kanya dahil ang pagmamahal niya rin sa kanyang mga tagahanga ang talaga namang nagbibigay ng natural na koneksyon sa online world.

Nakilala siya sa mga pakulo niyang filter sa TikTok — mula sa commercial, dubbing, dancing, at iba pa. Bukod dito, ang talent na ito ay kilala sa kanyang “GRWM o get ready with me” videos, na nagbibigay ng inspirasyon sa kanyang mga tagasubaybay ukol sa kanyang personal na estilo at makeup skills.

Siya lang naman si Dain Calista, ang dalagang Pilipina na humakot na ng 647.3K followers at 4.1M likes sa kanyang TikTok na @calista_dain. Ang trademark niyang puffy cheeks ang talaga namang kumukuha ng atensyon ng netizens kaya hindi na rin nakakapagtaka kung bakit nakakuha siya ng ganyan kalaking bilang ng mga taga-suporta.

Higit pa rito, para sa ilan, katawan niya ang bida pero sa pagdating sa entertainment at lifestyle, hinding-hindi rin siya magpapahuli. Matuturing siyang “budulera” dahil sa kanyang mga product finds lalo na pagdating sa mga beauty products.

Kaya naman, huwag nang mag-atubiling bisitahin ang kanyang TikTok!

AUTHOR PROFILE