
TIKTOK STAR OF THE DAY
“ANG lakiiiii!!!!” Iyan ang unang impresyon ng mga netizens sa tuwing nakikita siya. Alam mo ‘yung malaki? Iyon ay ang pagmamahal niya sa kanyang mga taga-hanga.
Siya si Kienzy Mylien, ang TiKTok star na puno ng talento. Sa kanyang account, hindi lang pagpapa-cute ang kaya niyang gawin. Kaya niyang makipag-sabayan sa dancefloor, mahusay sa dubbing, at syempre sa iba pang uri ng entertainment.
Pero higit na pinupusuan si Kienzy ay dahil sa propesyon nito bilang DJ. Ang husay niya sa pag-“mekus-mekus” ng mga kanta ang talaga namang nagbibigay buhay sa mga party-goers at mga followers niya online.
Kaya naman, kung gusto mo makarinig ng sample sa kanya, huwag nang mag-atubiling bisitahin ang kanyang profile: @knzymyln__ at maki-party rock na sa kanya.