Tiktok4

TIKTOK STAR OF THE DAY

March 16, 2024 People's Tonight 193 views

TiktokTiktok1Tiktok2Tiktok3PALAGI siyang nasasabihang “budulera” dahil sa husay niya magbenta, hindi lang ng produkto kundi ng kanyang personalidad lalo na online.

Higit sa kabuuan ng kanyang pisikal na anyo, kilala rin siya bilang isang brands affiliate na kilala sa tawag na “budulera.” Ipinapakita niya sa kanyang mga video ang mga “budol finds,” lalo na ang mga produktong pang-self care na kanyang personal na ginagamit.

Ang kanyang baby face ay patok rin sa netizens kaya naman humataw sa 678K followers at 4.3M likes ang account nito sa TikTok. Kilalanin natin si Becan Tan, isang TikTok rising star na tiyak na panggigigilan ng kalalakihan.

Sa husay niya sa pag-entertain, tiyak na sa kanya ay hindi ka makakaramdam ng boring kaya naman, bisitahin na ang kanyang TikTok na @becatan, at subaybayan ang kanyang online journey.

AUTHOR PROFILE