Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

March 6, 2024 People's Tonight 114 views

Tiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok4Tiktok5Tiktok6SA confidence niyang 11 out of 10, sure na kaya niyang busugin hindi lamang ang mga mata kundi puso ng kanyang mga tagahanga. Hindi na nakakapagtaka na kung bakit sa TikTok sikat siya, dahil siya’y palong-palo naman talaga.

Siya si Alyzza Barabona. Ang kanyang TikTok account na @cruzalyyy ay tumabo na ng 1.2M followers at 5.6M likes, bigating numero na magpapatunay ng mabigat na pagsuporta sa kanya ng netizens.

Para sa ilan, katawan niya ang bida pero sa pagdating sa entertainment at lifestyle, hinding-hindi rin siya magpapahuli. Matuturing siyang “budulera” dahil sa kanyang mga product finds lalo na pagdating sa mga beauty products.

Siya rin ang isa sa maItuturing na mukha ng active lifestyle. Mula sa fashion, travel, swimming, at extreme sports, hindi siya magpapahuli. Kaya naman huwag ring magpahuli na bisitahin ang kanyang account.

AUTHOR PROFILE