Tiktok4

TIKTOK STAR OF THE DAY

February 28, 2024 People's Tonight 455 views

TiktokTiktok1Tiktok2Tiktok3KAYANG-KAYA niyang makipagsabayan sa kahit anong pakulo sa TikTok. Sa kahit anong viral songs at challenges man yan, may maihahain diyan na lip sync, dance, singing o kahit ano pang content ang TikTok star na si Faith Acunin.

Ang ebidensya nga ng kanyang epektibong pagbibigay aliw sa madla ay ang patuloy na pagtaas ng kanyang followers sa nasabing video-sharing app. Mababakas yan sa account niyang @faith.acunin na mayroon nang higit 470K na tagasubaybay.

Ibang klase pero Pinay na Pinay pa rin ang taglay na kariktan at alindog ni Faith sa kanyang mga video, kaya nga’t laging nakaabang sa mga ilalabas niya ang libo-libong netizens.

Maging sa kanya ngang Instagram account na @faithacunin, kabogera kung ibandera niya ang kanyang kaseksihan at pasabog na selfies.

Patok na patok din si Faith sa kanyang mga fans sa social media platform na Kumu kung saan matagumpay niyang napapalago ang kanyang social media presence. Ang lahat ng ito ay makikita sa umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga na tinatawag pa niyang “Faithvirus” at “Faithfuls.”

AUTHOR PROFILE