
TIKTOK STAR OF THE DAY
AMIDST the tropic’s sway, Alexandra, with a radiance that holds sway, blends Filipina beauty with a sultry display.
Petmalu kung ibandera ng TikTok star na si Alexandra Bitas o Alex kung tawagin ng kanyang social media followers ang husay niya sa content creation.
Sa kanyang account na @xdrabits na may halos kalahating milyong followers, masisilayan ang lifestyle ng dalaga sa ibinabahagi niyang videos.
Maraming kayang i-offer si Alex dahil sa kanyang Instagram account na @alexbitas na may 70 thousand followers. Masusulyapan ang kanyang bikini life, travel photos, at pagiging fashionista.
Pero ang TikTok star na ‘to ay beauty and brains, nakapagtapos siyang Cum Laude sa kolehiyo.
Deserve na deserve nga ni Alex ang kanyang pagiging TikTok star dahil sa angkin at ipinapakita niyang ganda, hotness, at talento.