Cherry3

TIKTOK STAR OF THE DAY

January 31, 2024 People's Tonight 326 views

CherryCherry1Cherry2Cherry4IN a world so merry, Cherry, sweet and airy, her smiles’s like the bloom, filling the room with fragrant and vibrant perfume. Ang TikTok star na ito ay hindi papahuli pagdating sa pagpukaw ng atensyon ng netizens dahil sa kanyang kinang.

Si Cherry Esquillo ay isang rising TikTok at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa social media.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong halos 180 thousand followers at higit 2.5 million likes sa kanyang account na may username na @sore14_. Bukod pa rito, sinusubay-bayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @_sore14, na mayroon nang higit 32 thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook, dahil ang kanyang page ay mayroon nang higit 2.5 thousand followers kung saan humahakot ang kanyang mga post ng mga reactions mula sa kanyang tagasubaybay.

Kabog na ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, kaseksihan, perfect skin, lip syncing skills, lifestyle contents, pagiging fashionista, at higit sa lahat ang kanyang husay sa paggiling sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Dream girl man ng karamihan si Cherry, mayroon din siyang pangarap na tinutupad. Sa kasalukuyan ay nag-aaral siya sa kolehiyo at kumukuha ng kursong BS in Nursing.

Bukod sa pag-aaral, pinasok din niya ang mundo ng showbiz. Lumabas na ang kanyang pag-arte sa ilang serye kabilang na ang Black Rider, Sparkle University, at Tadhana. Kamakailan lang din ay naging tampok siya sa isang segment ng noontime show na It’s Showtime na “Expecially for You.”

Hindi maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Cherry sa mundo man ng showbiz at social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga.

AUTHOR PROFILE