
TIKTOK STAR OF THE DAY
SHE’S a fashionista, sexy and elegant, turns heads with a style so relevant. Ang TikTok star na ito ay hindi papakabog pagdating sa pagpukaw ng atensyon ng netizens dahil sa angkin niyang kinang.
Si Xandra Padilla ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.
Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong higit 45 thousand followers at higit 255 thousand likes sa kanyang account na may username na @rur_fav_girl_xandra. Bukod pa rito, sinusubay-bayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @xandrapadilla_, na mayroon nang halos 20 thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook kung saan humahakot ang kanyang mga post ng mga reactions mula sa kanyang followers.
Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, kaseksihan, perfect skin, lip synching skills, lifestyle contents, at higit sa lahat ang kanyang pagiging fashionista sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.
Tunay ngang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Xandra sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanyang ng kanyang mga followers.