
TIKTOK STAR OF THE DAY
SA kanyang likas na kagandahan at kakaibang charm, si Monina Lawrence ay isa sa mga umuusbong na bituin sa mundo ng TikTok. Ang kanyang account na @itsmonina ay mayroon nang 911.5K na mga tagasubaybay at 4.6M na mga likes, na patunay ng malakas na pagtangkilik mula sa netizens.
Pinay-Australian si Monina, at sa kanyang mga video, tila ba ay kandidata sa Miss Universe sa ganda ng kanyang mukha at katawan.
Ngunit higit sa kabuuan ng kanyang pisikal na anyo, kilala rin siya bilang isang brands affiliate na kilala sa tawag na “budulera.” Ipinapakita niya sa kanyang mga video ang mga “budol finds,” lalo na ang mga produktong pang-self care na kanyang personal na ginagamit.
Kabilang sa mga nagpapakilig at nagpapasaya sa kanyang mga tagasubaybay ay ang kanyang mga mini-dance cover. Ngunit ang paborito ng netizens ay ang kanyang natural na kahusayan sa humor. Sa pamamagitan ng kanyang mga nakakatawang kwento at patawa, patuloy niyang napapangiti ang kanyang mga tagahanga.
Sa likas na galing at talento ni Monina sa pagpapatawa at sa pagpapakita ng mga produktong mahalaga para sa kanya, patuloy niyang naihahatid ang aliw at impormasyon sa kanyang malaking bilang ng tagasubaybay. Isang tunay na TikTok sensation na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon at saya sa kanyang komunidad.