
TIKTOK STAR OF THE DAY
@thisismaryannh Try nato if bagay #chinitaeyeliner #eyeliner #fypシ #fyp #foryou #foryoupage
KILALANIN si Mary Huraño, isang TikTok rising star. Kakaiba ang kanyang charisma dahil sa mala-Barbie nitong hubog ng katawan lalo na ng mala-bigas nitong mukha.
Bukod pa rito ay animo’y pinaglihi sa gatas si Mary dahil sa ganda ng kutis. Dahil dito nahuhuli ang kiliti ng kanyang mga tagahanga online.
Kasalukuyan siyang mayroong 5.3K followers at 8.6K likes. Bamaga’t nagsisimula pa lamang, taglay na ni Mary ang “formula” para hatakin ang netizens.
Mula sa pagiging certified “Swiftie” nito o fan ni Taylor Swift, hanggang sa kanyang mga gala, tila ay sinasama niya ang netizens sa kanyang buhay.
Bukod dito, certified “budulera” din si Mary. Hinihikayat niya ang netizens ng mga produkto na tiyak na makakatulong higit lalo sa mga nais ma-achieve ang kanyang mala-barbie na ganda.
Kung usapang pagiging diversed, hindi rin siya nagpapahuli dahil tila naging diary na niya ang TikTok dahil sa iba’t ibang content nito na kanyang ina-upload. Katulad na lamang ng mga pagkain, mini-a day in life, bonding sa kanyang alagang hayop, at mga outfit check.