Yumi1

TIKTOK STAR OF THE DAY

November 29, 2023 People's Tonight 170 views

YumiYumi2Yumi3Yumi4WITH an hourglass shape and a face so fine, Yumi, a true divine! Hindi nga papahuli pagdating sa pagpukaw ng atensyon ng netizens ang TikTok star na si Yumi at talaga namang unti-unti na siyang tinitingala sa nasabing video-sharing app.

Si Yumi Medina ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa video-sharing app.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong halos 40 thousand followers at higit 153 thousand likes sa kanyang account na may username na @medinayumi. Bukod pa rito, sinusubaybayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @yumimedina___, na mayroon nang halos 40 thousand followers sa kasalukuyan. Ang isa pa niyang account sa IG ay mayroon namang halos 25K followers.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, kaseksihan, lip syncing skills, sexy outfits, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pagsayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Ang pangunahing sandata man ng TikTok star ang kanyang perfect body at beauty ay ‘di maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Yumi sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga.

AUTHOR PROFILE