
TIKTOK STAR OF THE DAY
SA dami ng nag-uusbungang mga content creator sa TikTok, iba’t ibang pakulo ang kailangang ihain sa madla upang bumenta, at ang TikTok star na si Cheng ay hindi nagpahuli upang siya’y magningning at kahumalingan.
Si Cheng Cods ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.
Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong higit 233 thousand followers at higit 2.1 million likes sa kanyang account na may username na @itsmecods. Bukod pa rito, sinusubaybayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @zitsme_cods, na mayroon nang halos 60 thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook, ang kanya ngang page ay mayroong higit 15 thousand followers ngayon.
Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, perfect body, lip syncing skills, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pasayaw sa social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.
Ang pangunahing sandata man ng TikTok star ang kanyang perfect body at beauty ay ‘di maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Cheng sa social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga.