
TIKTOK STAR OF THE DAY
HER perfect body, short hair, and sweet smile make her style truly worthwhile. Patuloy ang pagningning ng TikTok star na si Abegail.
Si Abegail Cavan o kung minsan ay kilala ng kanyang mga social media followers bilang “Abeh” ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa video-sharing app.
Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong halos 345 thousand followers at 4.3 million likes sa kanyang account na may username na @abeh_cvn. Bukod pa rito, sinusubaybayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username ring @abeh_cvn, na mayroon nang halos 20 thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook, ang kanya ngang page ay mayroong higit 11 thousand followers ngayon.
Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, kaseksihan, lip syncing skills, pagiging fashionista, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pagsayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.
Bukod sa paggawa ng lip syncing at dance contents, marami ring ine-endorse na produkto si Abegail mula sa mga affiliate brands sa TikTok.
Ang pangunahing sandata man ng TikTok star ang kanyang perfect body at beauty ay ‘di maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Abegail sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga at maging ang ilang brand partners ng dalaga.