
Throwback pageant photos ni Ruffa pinusuan ng netizens
Umani ng papuri ang pa-throwback ni Ruffa Gutierrez noong panahong koronahan siya bilang Bb. Pilipinas World in 1993.
Nag-post ng dalawang larawan ang aktres wearing the crown at the age of 18.
“Balik tanaw… 31 years ago. 18-yr old me when I was crowned Binibining Pilipinas World 1993 at the Araneta Coliseum. Time flies indeed….,” caption ni Ruffa.
As we all know, ang aktres ang ating representative sa Miss World 1993 pageant kung saan ay hinirang siyang Second Princess o 2nd runner-up.
Sa comment section ay umani ng positibong reaksyon ang naturang post stating na hindi pa rin nagbabago ang beauty ni Ruffa hanggang ngayon.