Default Thumbnail

Thank you Gen. Eleazar and good luck!

November 11, 2021 Marlon Purification 195 views

Marlon PurificationPORMAL nang lilisanin ni Gen. Guillermo ‘Guillor’ Eleazar ang opisina nito bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) sa darating na Sabado, Nobyemre 13.

Kasabay ito ng pagdiriwang ng kanyang ika-56-taong gulang na kaarawan na siya ring dahilan ng kanyang mandatory age retirement.

Halos anim na buwan lamang na nungkulan bilang top cop ng bansa si Guillor, pero ang liderato ay nakapagtala ng pinakamataas na 35.2 ang trust ratings.

Hindi pa man PNP chief si Guillor ay marami na ang humanga sa kanya. Kilala itong disciplinarian, masipag, matapang at higit sa lahat heneral na may malambot na puso.

Ang tingin ng marami, masyado itong mahigpit sa mga tauhan.

Pero ang totoo, masyado naman itong magiliw sa mga magigiting, magagaling at matitinong pulis.

Gusto lamang nitong madisiplina at maalis ang mga bulok na alagad ng batas, kasabay ng pag-impluwensiya na dapat maging marespeto sa mamamayan.

Nasa 200,000 na ang strong police force sa bansa. Sa sobrang dami nito, tiyak na marami talaga ang magiging pasaway.

Magkagayunman, marami ang nalungkot sa pagretiro ni Guillor.

Pero marami rin ang natuwa at isa na po ang inyong lingkod.

Umaasa kasi tayong bago matapos ang deadline ng rules of substitution sa Commission on Elections (Comelec) ay magsusumite ito ng kandidatura bilang senador.

Madalas natin siyang kausap sa telepono at palaging kinukulit kung tatakbo ba siya ngayong halalan.

Ang palaging sinasabi nito ay: “Kayo mismo sa media ang unang makakaalam.”

Alam kong bitin ang mga salitang ito, pero alam ko rin na may kahulugan.

Anuman ang magiging desisyon bago dumating ang Lunes ay umaasa tayong para ito sa kanyang pamilya at sa bayan.

Kasabay nito, hayaan n’yo po akong ipaabot ang ating matikas na pagsaludo kay Gen. Eleazar.

Thank you sa 34-taong tapat na pagseserbisyo sa bayan.

Mission accomplished ka, sir and Happy Birthday.

Cheers!!!

Samantala, binabati natin si Lt. Gen. Dionardo Carlos na siyang papalit kay Eleazar.

Congrats sa iyo, sir and good luck din po!