Default Thumbnail

TF sa pagtugis sa pumatay sa Ilocos brgy. chair, anak binuo

October 6, 2024 Christian D. Supnad 334 views

SAN JUAN, Ilocos Sur–Bumuo ang pulisya sa bayang ito ng task force para tugisin ang mga suspek sa pagpatay sa barangay chairman at ang kanyang anak mahigit 2 linggo na ang nakakaraan.

Ayon kay Lt. Reynald Ramos, hepe ng pulisya, binuo ang Special Investigation Task Group (SITG) upang imbestigahan at hanapin ang mga pumatay kina Barangay Caronoan Chairman Bello Valorozo, 52, at anak na si Jumar, 24.

In-ambush ang mag-ama habang papaliko sa corner ng Brgy. Lapting bandang alas-7:00 ng gabi noong September 23.

Nagtamo ng maraming tama ng bala mula sa riding-in-tandem na hitman, ayon sa report.

Naka-recover ng ilang 45 caliber bullet casings at slugs mula sa crime scene ang mga pulis.

Sinabi ni Lt. Ramos na naglunsad din sila ng barangay visitation program sa Brgy. Bannuar na dinaluhan nina Vice Mayor Benjamin “Doc” Jun Sarmiento Jr. at DILG officer Amado Tabin.