Taylor swift

Taylor Swift gumawa ng kasaysayan sa music scene

February 18, 2024 Aster Amoyo 392 views

MARAMING fans ng global pop star na si Taylor Swift ang na-disappoint nang hindi naisama ang Pilipinas sa mga bansa na pagdarausan ng kanyang makasaysayang “Eras Tour “ na dalawang Asian countries lamang ang kasama, ang Japan at Singapore. Karamihan sa mga Filipino fans ay nagtungo ng Singapore, Japan at Australia para lamang mapanood ang maituturing na most influential female entertainer of all time at kasama na rito sina Kathryn Bernardo, Anne Curtis, at i Isabelle Daza ay dumayo pa ng Melbourne, Australia para doon panoorin ang American pop star sa Melbourne Cricket Ground.

Samantala, sa Japan nanood si Andrea Brillantes (na nakasuot pa ng French fries costume) kaya hindi sila nagkita ni Kathryn.

Ang ongoing world tour ni Taylor ay itinuturing na “Most expensive and technically ambitious productions of the 21st century” ng Wall Street Journal with Ethan Tobman as creative director and production designer.

Kahit mahal ang tickets ng “Eras Tour” ay sulit umano ito dahil sa kakaibang performance ni Taylor na tumatagal umano ng halos apat oras backed-up by visuals and effects throughout the entire show at kasama na rito ang kanyang 6-piece band, four back-up vocals at 15 back-up dancers choregraphed by Mandy Moore.

Grabe umano ang kakaibang stamina at magic ni Taylor performing 44 songs from her ten albums plus two surprise encore numbers sa loob ng halos apat na oras.

The 34-year-old singer-songwriter and entrepreneur started her sold-out “Eras Tour” nung March 17, 2023 in Glendale, USA at magtatapos on December 8, 2024 in Vancouver, Canada.

Ang kanyang 44 songs ay grouped into ten distinct acts that showcase her musicianship, strong vocals at stage presence bukod pa sa kanyang costume changes.

In 2023 alone ay kumita si Taylor ng mahigit isang bilyong dolyar out of her “Eras Tour” na pinarangalan ng Guiness Book of World Records ng anim na magkakaibang kategorya, “Highest-grossing Music Tour,” “Highest-grossing Music Tour by a Female Artist, “ “Highest-grossing Music Tour In A Single Year,” “Highest grossing Music Tour by a Female Artist in 2023,” “Highest-grossing Music Tour by a Solo Artist” at “Highest-grossing Music Tour Per Concert by a Female Artist.” Ang nasabing parangal ay bukod pa sa MTV Video Music Awards at Pollstar Awards na kanyang tinanggap.

Ang ongoing “Eras Tour” ay produced ng Taylor Swift Productions na pag-aari mismo ng American singer, songwriter, producer, director, actress at successful entrepreneur kahit high school lamang ang inabot.

Ang pagiging singer ni Taylor ay kanyang minana sa kanyang maternal grandmother na si Marjorie Finlay na isang opera singer. She was 12 nang siya’y matutong tumugtog ng gitara at 14 naman siya nang magsimula siyang magsulat ng kanta at ang unang ambisyon ay maging isang country singer.

Although sa America isinilang at lumaki si Taylor (named after the popular American singer-songwriter na si James Taylor), she has an Scottish, English and Italian descent from her father side na si Scott Kingsley Swift habang Scottish and German naman sa kanyang inang si Andrea Gardner Finlay-Swift.

Taylor has a younger brother na si Austin Swift.

The 34-year-old pop star has also a very colorful lovelife having been in a relationship with various prominent male personalities including his present partner na si Travis Kelce na karelasyon niya since last year. Ang iba pa ay sina Joe Jonas (2008), Lucas Till, Taylor Lautner and John Mayer (2009-2010), Jake Gyllenhaal (2010-2011), Conor Kennedy and Harry Styles (2012), Calvin Harris ((2015-2016) at si Matty Healy nung isang taon before Travis Kelce.

Samantala, pinanghinayangan ng aking Tokyo-based daughter na si Aila Marie Amoyo Reyes-Cristobal na hindi niya napanood ang rare concert ni Taylor Swift nang ito’y mag-perform sa Tokyo Dome in Tokyo, Japan recently as she was in a seminar sa kanyang bagong work doon. Pero nakabili umano siya ng ilang merchandising materials ng American singer-songwriter including a jacket na balak niyang ibigay sa kanyang pinsang si Glenda Amoyo Esperas na isa ring die-hard Taylor Swift fan.

Ang “Eras Tour” ay kinu-consider ni Taylor as “a journey through all her musical eras”.

Kathryn pinatamaan si Daniel sa kanta ni Taylor Swift 

SAMANTALA, may mga nagsasabi na pasaring kay Daniel Padilla ang viral video ni Kathryn Bernardo na kuha sa concert ni Taylor Swift sa Australia.

Ni-like at ni-heart nang todo ng fans ang video sa social media kung saan makikitang enjoy na enjoy na nakiki-party sa “Eras Tour” ni Taylor sa Melbourne, Australia last Friday, February 16 habang sinasabayan ang awiting “We Are Never Ever Getting Back Together.”
Mukha raw gusto talagang ibandera ni Kathryn sa buong mundo na wala nang balikang magaganap sa kanila ni DJ kahit na gumagawa raw ng paraan ang aktor na magkausap sila.

Narito ang ilang comments sa naturang video:

“Patama talaga kay Daniel Padilla never ever ever getting back together. kaya huwag na huwag ka ng maki-pagtambalan doon sa bagay naka saad nman sa contrata mo. Ayan wala ng nag cocontrol sa saya mo.”

“Tama moving forward n and look for new journey and to your success go go kathden.”

“Never ever ever getting back together. Ang saya talaga pag kasama mo mga kaibigan mo while enjoying your life being single.”

“Kathryn Bernardo singing ‘We never ever getting back together’ Deej, pili ka nlng kay andrea brilliantes, Gillian vicencio & ung vietnamese girl…wala na pakialam sau c Kath. Choice mo mambabae eh kaya kasalanan mo tlga ang lahat lahat.”

“Kathryn bernardo singing her lungs out to taylor swift’s we are never ever getting back together that’s my girl!!!”

Ryan naipakilala na si Paula sa mga magulang

MATAPOS ang kanilang brief Hong Kong vacation kasama ang ilang miyembro ng “It’s Showtime,” dinayo ng magkasintahang Ryan Bang and non-showbiz girlfriend na si Paola Huyong ang Tokyo Dome ng Tokyo, Japan sa one-night concert sa nasabing bansa ng global pop superstar na si Taylor Swift kamakailan lamang. Since nasa Tokyo na rin lamang ang magkasintahan ay namasyal na rin sila sa iba’t ibang magagandang lugar ng Japan.

Kitang-kita kay Ryan ang pagiging in love at pagiging caring sa kanyang Filipina girlfriend na may magandang credentials.

Although wala pang isang taon ang kanilang relasyon, umaasa ang South Korean actor-comedian, host at entrepreneur na si Paolo na ang gusto niyang makasama habambuhay.

Naipakilala na rin ni Ryan ang kanyang kasintahan sa kanyang separated parents in South Korea last December 2023.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE