
Tattoo malapit sa wetpaks ni Jenn pinagpiyestahan
BINULABOG ng Vivamax actress na si Jenn Rosa ang netizens nang ibandera niya sa social media ang kanyang katawan.
Sa Instagram page ng sexy star, ibinahagi niya ang ilang larawan kung saan angat na angat ang kaseksihan niya.
Makikita sa larawan ang todo pose na si Jenn suot-suot ang kanyang two-piece bikini na magkaiba ang kulay.
Mapapansin din ang mga tattoo ng Vivamax actress sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan kabilang na ang mga braso at maging ang malapit sa kanyang puwitan.
Nag-iwan lamang si Jenn ng isang green heart emoji bilang caption ng kanyang post.
Tila naloka naman ang netizens sa hotness ng sexy star. Agad nilang pinusuan at binaha ng fire emojis ang comment section ng nasabing post.
“Stunning beauty and captivatingly gorgeous.”
“Heaven in person.”
“Magaling to sa Vivamax.”
“Super Hot.”
“Ganda mo talaga ms jenn.”
Nakilala si Jenn sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Hibang (2023), Araro (2023) at Bisyo! (2023).