
Tatay ni Carmina, labas-masok sa ospital
Naging emosyonal ang mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel sa virtual mediacon ng Stories From the Heart: The End of Us na ginanap last Wednesday.
Sina Zoren at Carmina ang bida sa Christmas offering ng nasabing drama anthology, their very first drama together, set to premiere on Dec. 20.
During the mediacon ay nagulat na lang kami na biglang umiyak ang mag-asawa.
Naunang naging emosyonal si Zoren habang sinasabi niya kung gaano siya kasaya na nabigyan sila ng oportunidad na gumawa ng ganito kagandang proyekto.
Nahawa na rin si Mina at napapaiyak na rin habang sinasabi naman na first time niyang nakita si Zoren na ganito ka-emosyonal sa isang show.
Nagtaka rin si Mina na napapaiyak na rin siya.
“Bakit ganu’n? Dahil ba magkalayo tayo? Kasi naka-lock-in ako ngayon, eh. Baka dahil we’re so far away from each other, we’re very emotional. Bakit ganu’n,” natatawang naiiyak na sabi ni Mina.
Later ay inamin din ni Zoren na may pinagdadaanan silang pamilya dahil may sakit ang ama ni Carmina at labas-masok sa hospital.
“Isa ‘yun sa mga, I guess, kung bakit kami nagiging emotional plus ‘yung mga lock-in siguro, laging wala ‘yung mga bata sa bahay, you know, mga ganu’ng bagay,” ani Zoren.
Sinabi rin ng aktor/direktor na hindi nila dapat tatanggapin ang proyektong ito dahil ayaw nilang pareho silang mawala sa bahay.
“And at the same time, kadalasan kami, ’pag kasama ko si Mina sa isang show, we really fight. You know, nagkakaroon kami ng away mismo sa show. Because she has her own style, I have my own style,” ani Zoren.
Pero nagdesisyon na rin sila na i-go na ang proyekto at gawin na nila.
Sinundan naman ni Mina ang sinabi ni Zoren at napaiyak ding nagkuwento na at first ay excited pa raw sila sa offer dahil nga this is a rare opportunity for them.
“But with what’s happening with my dad…,” nahirapan nang magsalita si Mina at umiyak na.
Panay naman ang hingi niya ng dispensa. Pati si Zoren ay umiiyak na rin.
Umiiyak pa ring kwento ni Mina na talagang tumanggi na sila at hindi raw niya talaga kaya.
Pero kinausap daw sila ng mga GMA-7 bossing at gusto talaga na tanggapin nila.
“Buti nabigyan pa kami ng pagkakataon na makapag-isip-isip,” ani Mina.
Pinag-isipan daw nilang mabuti hanggang sa mag-decide nga sila na tanggapin na’t ipaubaya na lang kay Lord ang mangyayari.
“We are just very thankful because God really guided us. Siguro, sinabi Niya na ‘gawin n’yo na ‘to, ako na ang bahala.’
“So, we are very thankful that we said yes to this project and this is really very, very close to our hearts,” sabi ni Carmina.