
Tatay na sustentado ng junior actor, hino-hokus pokus ang resort na ipinagagawa ng anak
NAGPAPAGAWA ng resort ang isang junior actor sa kanyang nilakihang probinsya upang mabigyan ng trabaho ang mga kakilala niya sa lugar.
Pinaubaya ng aktor sa kanyang tatay ang pamamahala ng construction mula sa kanyang naipon nu’ng kalakasan ng kanyang trabaho sa showbiz.
Lingid nga lang sa kaalaman ng aktor, may hokus-pokus pala ang tatay niya, lalo na sa materyales na ginagamit sa resort.
Bawat kausap na supplier, pinapatungan niya ang presyo at ‘yung binabayaran ng anak niya, eh, may kita na siya sa patong.
Sustentado naman ang tatay ng anak. Pero kulang pa yata ang bigay na pera kaya dumidilehensya pa siya sa paggawa ng resort, huh!
May tatay palang ganito, ‘no?
JOJO AT RAINIER WALANG MALISYA ANG FRIENDSHIP
TINAPOS na ng Revival King na si Jojo Mendrez at ng kanyang managers ang anumang kaugnayan nila kay Mark Herras.
Ang nakaraang Star Awards for TV ang last straw upang tapusin ni Jojo ang anumang kaugnayan kay Mark.
Dapat sana, eh, presenter sina Jojo at Mark ng special award nang magpaalam ang aktor na pupunta sa comfort room pero hindi na bumalik!
Kaya naman si Rainier Castillo ang nakasama ni Jojo. Mabuti na lang at malapit si Rainier sa venue ng event.
Pero walang malisya ang friendship nina Jojo at Rainier, huh!
Basta si Jojo, tuloy lang ang promotions ng sngle na “Nandito Lang Ako.”
Natulungan niya si Mark at ang managers na lang niya mag-aasikaso sa reklamong ihahain niya laban kay Mark sa perang ipinahiram niya.
Tuloy ang buhay para sa Revival King at ire-revive na lang ang mga kantang “Tamis ng Unang Halik,” “Boy” at “Pare Mahal Mo Raw Ako.”