
Tapos na ang panahon ng walang pag-iral ng batas
“Ang pinakamalinaw na paraan upang ipakitakung ano ang kahulugan ng tuntunin ng batas sa atinsa pang-araw-araw na buhay ay ang alalahanin kung ano ang nangyari noong walang tuntunin ng batas.” -Dwight D. Eisenhower
HINDI mawala-wala sa isipan ng ordinaryong Pilipino bakit mayroon pa rin kapangyarihan ang International Criminal Court (ICC) na litisin si dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) sa Netherlands samantalang umatras na ang Pilipinas sa Rome Statute noon Marso 17, 2019. Sa dami ng salasalabat na opinyon ng mga bloggers, abogado, at politiko sa magkabilang bakod, ang Artikulo 127 ng Rome Statuteat Seksyon 17 ng RA 9851 ang magbibistay ng tama sa kasinungalingan.
Para sa kapakinabangan ng lahat, narito ang sinasaad ng Rome Statute:
“Article 127.Withdrawal: 1. A State Party may, by written notification addressed to the Secretary-General of the United Nations, withdraw from this Statute. The withdrawal shall take effect one year after the date of receipt of the notification, unless the notification specifies a later date.’’
‘’2. A State shall not be discharged, by reason of its withdrawal, from the obligations arising from this Statute while it was a Party to the Statute, including any financial obligations which may have accrued. Its withdrawal shall not affect any cooperation with the Court in connection with criminal investigations and proceedings in relation to which the withdrawing State had a duty to cooperate and which were commenced prior to the date on which the withdrawal became effective, nor shall it prejudice in any way the continued consideration of any matter which was already under consideration by the Court prior to the date on which the withdrawal became effective.’’
Pangunahing prinsipyo sa konstruksyon ng batas ang pangkalahatang tuntunin ng prospektibong aplikasyonng mga batas, lokal man o internasyonal, na palagingnakatuon sa mga magaganap mula sa araw namagkabisa ang batas at sa hinaharap na panahon at hindi ito lumilingon sa nakaraan.
Mayroon dalawang eksepsyon dito: una, kung ang batas ay hayagang winawasto, sa ngalan ng katarungan, ang isang lumang batas at mgakinahinatnan sa pagpapatupad nito; at ikalawa, kung ang batas ay papabor sa sitwasyon ng sinasakdal sakasong kriminal tulad ng pagpapaikli ng sentensya ng kulong kahit na naganap ang krimen bago nagkabisaang bagong batas. Ang pag-atras ng Pilipinas sa Rome Statute ay hindi pasok sa dalawang eksepsyon. Samakatuwid, walang hurisdiksyon ang ICC sa mgakrimen magaganap mula Marso 17,2019 ngunit hindinito mabubura ang mga pinaparatang na mga krimen laban sa sankatauhan na ginawa daw ni FPRRD mula2011 hanggang Marso 16, 2019.
Pinahihina nito ang teorya ng kasalukuyang Solicitor General na wala daw ligal na obligasyon ang Pilipinasna isuko sa ICC si FPRRD na dati niyang boss, at mgahukuman sa Pilipinas ang may kapangyarihan lumitissa dating Pangulo sa kanyang paglabag sa RA 9851. Hindi nakapagtataka kung ang teoryang ito ay manggagaling sa abogado ni FPRRD, ngunit hindi itokanais-nais na magmula sa pangkalahatang abogado ng ating pamahalaan na may tungkuling ipagtanggol ang ginawang pasya ng ating pamahalaan namakipagtulungan sa ICC batay sa Seksyon 17 RA 9851.
Dapat ipaalala sa Solicitor General na: 1. ang nagreklamo sa ICC ay mga ordinaryong mamamayangPilipino na walang makitang pag-asa ng hustisya samga institusyon ng katarungan sa Pilipinas ;2. ang Pangulong Bongbong Marcos ay walang marahas naoplan double barrel o operasyon tokhang ;3. itinataguyod ng administrasyong Marcos ang karapatang pantao ng lahat ng Pilipino at kaisa ng pamahalaan ang ICC sa hangaring maparusahan ang mga taong pinairal ang sariling kagustuhan sa pag-utasng buhay ng walang paglilitis.
Tapos na ang panahon ng walang pag-iral ng batas sa pagharap ni FPRRD sa ICC. Sinarado na rin ang panahon ng pagtangkilik sa popular, pagtaguyod sa kasinungalingan at pagkamuhi sa karapatang pantao. Nakabalik na tayo sa tuntunin ng Konstitusyon at mga batas ng sambayanang pinapahalagahan ang buhay ng bawat Pilipino.