
TAPE sinagot ang reklamo ng TVJ
SINAGOT ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc. ang reklamong copyright infringement and unfair competition na inihain laban sa kanila nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.
Sa ulat ng GMA News “24 Oras” nitong Miyerkules, sinabing inihain ng mga dating host ng “Eat Bulaga” ang reklamo sa Marikina Regional Trial Court.
Naglabas naman ng pahayag tungkol sa reklamo ang legal counsel ng TAPE Inc. na si Atty. Maggie Garduque.
Ayon kay Garduque, “It is not a copyright infringement. Eat Bulaga name, the design of the name and the logo is a trademark and not subject of copyright.”
“TAPE Inc. has the registration of the tradename Eat Bulaga so they cannot file infringement against the registered owner of the trademark. Their petition for cancellation of trademark of Eat Bulaga is still pending before the IPO and until such time that said petition is granted, the trademark Eat Bulaga and EB will be owned by TAPE Inc,” patuloy pa ng abogado.
Kasama rin sa reklamo ang GMA Network Inc., kung saan ipinapalabas ng TAPE Inc. ang “Eat Bulaga” bilang blocktimer.
“We will refer the complaint to our legal counsel, Belo Gozon Elma Parel Asuncion and Lucila Law Offices,” ayon sa inilabas na pahayag ng network.
Nitong nakaraang Mayo 31 nang kumalas sina Tito, Vic, Joey, at iba host ng “Eat Bulaga” mula sa TAPE Inc.
Chito bilib Kay Stell
HINDI itinago ni Chito Miranda ang paghanga niya sa kaniyang kapuwa coach sa “The Voice Generations” na si Stell at maging sa grupo nitong SB19.
Tinanong si Chito kung kanino siya pinaka-threatened sa mga kasama bilang coach sa “The Voice Generations.”
“Not naman threatened pero sobrang nakita ko how good this guy is when it comes to playing the game,” paliwanag ni Chito na ang tinutukoy ay si Stell.
“He’s such a revelation for me kasi ang pagkakakilala ko lang kay Stell is one of the members of SB19. I am familiar with SB19, I’m sobrang fan ng work nila, pero as individuals, I didn’t know them,” pagbabahagi pa ng Parokya ni Edgar frontman.
Pero nakilala raw niya nang lubos si Stell nang gawin na nila ang “The Voice Generations.”
“As we get to hang out, mga pictorials and everything, everything that he does is so entertaining, and everything that he says is so humble and may wisdom. Alam mo ‘yung hindi nagmamarunong?” anang singer.
Hinangaan din ni Chito ang sinabi umano ni Stell tungkol sa dapat na suportahan ng bawat miyembro sa isang grupo.
“May sinabi siyang very important sa ‘kin na, ‘Kung sino ‘yung weak, the other guys need to be strong.’ Sobrang ganda nu’n di ba?,” ani Chito.
Patuloy pa ng mang-aawit, “It took Parokya years to do that, and they’ve been together for five years only, tapos gano’n na siya magsalita. Wala lang, bilib lang ako sa kaniya. Galing eh.”
Nauna nang inihayag ni Chito ang paghanga siya sa grupo dahil sinusulat nila ang kanilang mga sariling kanta.
“‘Pag pinapanood ko ‘yung mga music videos nila and ‘yung songs, I could never come up with something as brilliant as ginagawa nilang songs,” sabi niya.
Inakala pa raw ni Chito noon ay may foreigner na tumutulong sa SB19.
“Nalaman ko sila lang, mas nakakainis naman ‘to, sobrang galing,” birong pagpuri pa ni Chito.
‘Lolong’ napapanood na sa Indonesia
KASALUKUYAN nang napapanood ang award-winning Kapuso adventure series na ”Lolong” sa Indonesia, na may titulo roon bilang “Dakkila.”
Pinalabas na nitong Lunes ng gabi ang “Dakkila” sa Indonesian channel na ANTV.
Ang “Dakkila” ay gaya rin ng pangalan ng buwaya o crocodile sa kuwento na si Dakila.
Ang naturang adventure series ay tungkol kay Lolong, karakter ni Ruru Madrid, na nakabuo ng pagkakaibigan sa buwayang si Dakila.
Kasama ni Ruru sa cast sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Ian de Leon, Rochelle Pangilinan, Maui Taylor, Shaira Diaz, Paul Salas at Arra San Agustin.