
Tanod sinita motor na maingay tambutso, binaril ng backrider
CABANATUAN CITY–Malubhang nasugatan ang isang barangay tanod matapos barilin sa tagiliran ng backrider ng pinara niyang motor dahil sa maingay na tambutso noong Linggo.
Naganap ang pamamaril sa Brgy. M.S. Garcia dakong alas-12:05 ng madaling araw, ayon kay Cabanatuan police chief Lt. Col. Renato Morales.
“Nagpapara po ng maingay na tambutso ‘yung isang tanod nang bigla na lang siya paputukan ng isang bakrider ng motorsiklo,” sabi ni Morales.
“Buhay po, sa tagiliran ang tama niya, apat na putok isa lang talaga directed sa tanod. ‘Yung ibang bala sa concrete pavement po,” dagdag ni Morales.