
Tanod kinatay ng katana kapwa tanod dahil sa selos
DEAD-on-the-spot ang lalaking canteen helper at tanod matapos sugurin, pagsasaksakin at hatawin ng katana ng suspek na kapwa tanod sa Natividad Soles St., Ermita, Manila noong Biyernes.
Ayon sa report, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa dahil sa selos sa loob ng canteen.
Nakilala ang biktima na si alyas Reynan at ang suspek na si alyas Jesus, 54, na sumuko agad matapos ang krimen.
Sa report ni PMSG Irene Jay Manalili kay Police Capt. Dennis Turla, hepe ng homicide section ng Manila Police District, bandang alas-11:45 ng gabi nangyari ang krimen.
Base sa imbestigasyon, biglang pumasok ang suspek na galit na galit sa biktima kaya bumunot ng patalim at sinaksak ang biktima ng ilang beses.
Tumawag ang may-ari ng canteen sa istasyon ng pulisya kaya rumesponde ang mga tauhan ng Lawton precinct sa pamumuno ni Police Major. Roderick Dismaya kasama sina PCpl Edmar Tumanday at Pat. John Louie Garcia.
Kusang sumuko ang suspek matapos ang ginawang krimen.
Ayon sa suspek, nagawa niyang mapatay ang biktima dala ng selos dahil nalaman niya na may relasyon ang kanyang kinakasama at ang biktima.