Default Thumbnail

Tanod binaril habang natutulog

July 15, 2024 Jojo C. Magsombol 190 views

DEDO noong Sabado ang isang barangay tanod matapos pagbabarilin ng hind nakilalang salarin habang natutulog sa mobile patrol car sa Brgy. Sta Cruz, Antipolo City, Rizal.

Kinilala ang biktima na si Jomel Aguanta Orcales, barangay tanod ng nasabing lugar.

Nakasuot ng itim na jacket, may itim na sling bag, maliit at maitim na lalaki ang salarin, ayon sa mga saksi.

Bandang alas-3:30 ng madaling-araw nagsasagawa ng clearing operation sa Olalia Road, Brgy. Sta Cruz ang tanod.

Ilang sandali pa at nagpasya ang biktima na matulog sa loob ng mobile patrol.

Kinalaunan, biglang dumating ang hindi pa nakikilalang suspek na armado ng baril at pinagbabaril ang biktima saka tumakas.

Isinugod ng mga residenteng nakasaksi ang biktima sa Antipolo City District Hospital ngunit idineklara itong dead-on-arrival ng attending physician na si Dr. Brenxel Ann Zeta.

AUTHOR PROFILE