
Tamang nutrisyon- pundasyon ng malusog na mga manggagawang Pilipino
“HAYAAN mong ang iyong pagkain ay magingiyong gamot at ang iyong gamot ay maging iyongpagkain’” -Hippocrates
Ang malusog na nutrisyon ay mahalagang sangkap sa pag-unlad ng ekonomiya. Sinabi ng World Health Organization (WHO) na isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang kalayaan mulasa gutom at malnutrisyon na kinakailangan sa kalusugan ng taoat kaunlaran ng bansa. Mabigat na hamon ito para sa atingpamahalaan- ang magbigay ng pinakamainam na nutrisyonupang manatiling malusog ang hanay ng mga manggagawa nalakas ng ekonomiya, sapagkat ang tamang nutrisyon ay kailangan upang mapanatili ang produktibidad ng atingmanggagawa.
Kapag hindi malusog ang nutrisyon ng manggagawa, tinantiya ng World Bank na ang epekto sa ekonomiya sa nawalang produktibidad ay pipigil sa paglago ng ekonomiya nghumigit-kumulang 2% – 3% ng Gross Domestic Product, at itoay maaaring umabot ng 11% sa Africa at Asya.Bukod pa rito, ang bilang ng dami ng namamatay dahil sa mga non-communicable diseases( NCD) tulad ng diabetes, sakit sa puso, kanser, ay maaaring umabot sa US $47 trilyon sa loob ng dalawang dekada, at patuloy na tumataas ito sa bilang na 41 milyong tao namamatay bawat taon sa buong mundo, karamihansa mga edad na 30 – 69 taong gulang , na itinuturing na mgabuhay na nawala ng wala pa sa panahon dahil sa maling diyetana nagdudulot ng labis na katabaan, at mga kakulangan samicronutrients, tulad ng iron deficiency anemia sa hanay ng mgamanggagawa.
Iniulat ng Global Burden of Disease noong 2017 namayroong 45.8% na pagtaas ng may diabetes kumpara sa 2007sa Pilipinas. Batay sa National Nutrition Survey , ang bilang ng mga Pilipinong sobra ng katabaan noon 2008 na 26.6% ay tumaas sa 37.2% noong 2018. Ang data ng National Kidney and Transplant Institute ay nagpapakita na humigit-kumulang isangFilipino ang nagkakaroon ng chronic kidney disease nanangangailangan ng hemodialysis bawat oras, na katumbas ng 120 Pilipino bawat milyong populasyon taun-taon.
Sa pangkalahatan, ang kawalan ng masustansyang pagkainay binabanggit bilang isa sa mga pangunahing hadlang sa isangmalusog na diyeta sa lugar ng trabaho, at nagdudulot ng pagkawala ng produktibo ng hanggang 20% . Dahil 62.1% ng populasyon ng Pilipino (15 taong gulang pataas) ay nasapuwersa ng manggagawa, mahalaga na isaalang-alang ang mgaprograma at interbensyon para maiwasan ang triple burden ng malnutrisyon—under-nutrition, over-nutrition, at micronutrient deficiencies— na sanhi ng NCDs.
Ayon sa PH Statistics Authority , ang mga pangunahingsanhi ng pagkamatay mula Enero hanggang Setyembre ng 2023 ay puro mga NCD: ischemic heart disease, kanser, stroke, at diabetes milletus. Ito rin ang mga pangungunang sanhi ng pagkamatay sa parehong panahon noong 2022.
Ang isa sa pinakamahalagang salik ng panganib ng NCD ay isang hindi malusog na diyeta – ang pagkonsumo ng mgapagkaing mataas sa dagdag na asukal, asin/sodium, at taba at mga pagkaing naglalaman ng trans-fat. Kabilang sa mga pagkaino inumin na sobra ang sangkap ng asukal ay mga softdrinks, milk tea, de bote or de latang fruit juices, mga energy drinks at instant pasta, noodles at pizza. Sobra naman maalat ang mgadelatang karne tulad ng luncheon meat, at mga chichiria, French fries, chicharon, sausages, bacon, tocino, hamon. Dapatrepasuhin at palitan ng pamahalaan ang karaniwang laman ng mga DSWD relief packs, mga ayuda at pamaskong handog ng mga LGU na hindi mainam sa kalusugan ng tao.
Ang tamang nutrisyon ang pundasyon ng masigla at malusog na mga manggawang Pilipino na lakas ng atingekonomiya. Mahirap magkasakit ng NCD, mahal ang gamot ,magpa check up sa doktor, at maaaring mabalda at mamatay ng maaga. Kaya bago pa magka-hypertension at diabetes, mag- ehersisyo ng regular, dalangan ang pagkain sa fast food, at bawasan ang pagkain at pag-inom ng mga pagkain at inuminghitik sa asin at asukal at transfat na prinoseso ng tao at makina.