Default Thumbnail

Tama si SP Zubiri

October 17, 2023 Allan L. Encarnacion 335 views

Allan EncarnacionWALA namang masama na isulong na ng gobyerno ang jeepney modernization.

Sa mahabang panahon, hindi nagkaroon ng pagbabago ang ating mga jeep na king of the road magmula pa dekada 70.

Ang problema natin, maraming jeep na dalawang dekada nang tumatakbo, ginagamit pa rin ngayon. Marami sa mga ito y tagpi-tagpi na ang ibang parts kaya madalas maging sanhi ng aksidente.

Katunayan, maraming mga traditional jeep ang tumatakbo na wala sa tamang alignment ang gulong, mga walang head lights, walang back light, hindi readable ang plaka at nagbubuga pa rin ng maitim na usok.

Nakikisimpatiya tayo sa transport group sa kanilang pagtutol sa modernisasyon dahil sa sinasabi nilang mahal na unit kumpara sa tradisyunal na jeepney. Ito rin siguro ang dapat ikunsidera ng pamahalaan para magkaroon ng pagkakasundo sa programa na pakikinabangan ng lahat.

Kailangan nating sumunod sa pamahalaan sa ayaw at sa gusto natin. Hindi puwedeng magmamaktol tayo sa pamamagitan ng welga kapag hindi natin gusto ang polisiya. Binibigyan naman ng audience ng pamahalaan ang transport group sa maraming pagkakataon kaya dapat ay doon ilatag ang inyong mga suhestiyon at hindi gusto.

Pero at the end of the day, kailangan tayong sumulong sa modernisasyon.

***

[email protected]