
Talk thirty to me
Binulabog ng aktres at singer na si Julie Anne San Jose ang kanyang followers matapos ito mag-flex ng kanyang sexy pictures.
“This is 30 and just getting started,” caption ni Julie sa kanyang IG post.
Sa tatlong pictures na in-upload ng singer, makikitang ready na ready na itong “mangagat” dahil sa mala-halimaw nitong pose.
Agaw pansin nga sa “The Clash” judge, ang makinis at juicy nitong chest. Sa iba pang pose, kitang-kita rin ang kaniyang siksik sa lamang wetpaks, pati na rin ang maliit nitong waistline.
Bukod sa magandang physique, umaapaw din ang angking karisma ng R&B singer.