Zeinab Larawan mula sa IG/Zeinab Harake

Takaw-mura

September 17, 2024 People's Tonight 227 views

NAGLAWAY ang mga barako dahil sa labis na pagpapainit na ibinida ng vlogger-turned-actress na si Zeinab Harake.

Lawit-dila ang kanyang social media followers sa nanlalamon na kaseksihan ng social media star.

“Dare to be confidently you,” maikling caption niya sa nasabing post.

Masusulyapan ang magandang katawan ni Zeinab sa suot niyang two-piece underwear habang todo pose sa batuhan tabi ng dagat.

Sa isang larawan bumulaga ang tambok ng wetpaks ng social media star, pati na ang hubog nitong pinagpipiyestahan lagi ng mga barako.

Hindi nga lang mga kalahi ni Adan ang naakit ng tukso ni Zeinab dahil maging ang mga kalahi ni Eba ay bet na bet na rin siyang kagatin.

Napamura pa nga ang kapwa niya social media star na si Jelai Andres.

“Sh*tttt,” hirit ni Jelai sa comment section.

Hanggang zoom in lang din ang mga kelot sa larawan niya dahil hindi na nila pwedeng maigarahe si Zeinab. Malabong magkaroon sila ng tiyansa sa vlogger-actress lalo na’t nobyo nito ang Fil-Am basketball player na si Bobby Ray Parks Jr.

AUTHOR PROFILE