
‘Sweet bee’
NAG-ALA bubuyog na nambulabog ang rumaragasang kaseksihan ng Vivamax actress na si Pia Montes sa social media.
Sa Instagram nga ay walang habas na inihain ng sexy star ang kanyang nagwawalang sex appeal sa isang post.
Busog na busog ang mga kalahi ni Adan sa kanyang ibinahaging video kung saan iconic ang dance moves na in-exhibit ni Pia para i-display ang kanyang sexy wangkata.
“Sweet bee bumble bee,” saad niya pa sa caption.
Suot ni Pia ang kanyang one-piece bikini kung saan kumorte ang perfect figure ng bebot.
Walang kasing kinis ang balat niya, kahit saang anggulo glowing na glowing ang kanyang look.
Kahit na baguhan pa lamang sa industriya, naipamalas na agad ni Pia ang kanyang husay sa pag-arte nang maitampok siya sa Vivamax original film na “Private Tutor.”