
SV, ‘di raw natatakot kay Isko?
BUSINESSMAN-turned-TV host Sam Verzosa recently celebrated his birthday by giving 100 food carts to deserving individuals.
Bahagi rin ito ng layunin ng kanyang programang “Dear SV” (aired on Saturdays, 11:30 PM on GMA 7) na tulungan ang mga mahihirap na mapaunlad ang kanilang kabuhayan. SV, as he is fondly called, advocates for sustainable livelihood, providing more opportunities for less privileged Filipinos. The gift giving was held at the abandoned Manuel L. Quezon University Hidalgo campus in Quiapo, Manila last September 16.
Sa nasabing event, nandoon din ang kanyang girlfriend na si Rhian Ramos para suportahan ang Tutok To Win Party List representative. Nasorpresa si SV sa pagpunta ni Rhian dahil nung gabi daw na ‘yun ay tumulong na si Rhian sa preparation para sa thanksgiving. Kaya wala siyang kaalam-alam ukol dito. Rhian co-hosted the said event, which will be aired as birthday episode of the said public affairs program. “Dear SV” was nominated as finalist in the “Best Current Affairs Programme Made in Asia for a Single Market in Asia” category in the ContentAsia Awards 2024, held recently in Taipei.
Samantala, diretsang kinumpirma ni SV nang tanungin siya ng mga kasamahan natin sa panulat ukol sa diumano’y pagtakbo niya bilang Mayor ng Maynila sa darating na eleksyon. Dagdag pa niya, hindi raw siya natatakot kay Isko Moreno na sinasabing malakas na tatakbo sa nasabing posisyon. Dinepensahan din niya ang binabatikos sa kanyang pamimigay ng pangkabuhayan package ay isa raw itong pamumulitika. Saad ni SV, noon pa man tumutulong na raw siya at hindi raw niya ito ginagawa dahil lang sa plano nitong pagtakbo sa local elections.
Sabi nga ng isang kaibigang writer, pader daw ang babanggain ni SV sa Maynila. Kung ganun, bakit hindi na lang siya muna tumakbo sa pagka-Vice Mayor? Just asking…
“I Love PH” now on GTV
LIFESTYLE and travel show “I HEART PH” continues to spread good vibes on its new home, GMA network.
Hosted by Valerie Tan, the magazine show has been consistently uplifting the image of the Philippines and the Filipinos – showcasing the country’s scenic spots. True to its core, the program promotes love and appreciation of our country, helping the government to amplify its tourism campaign, “Love the Philippines!”
Now on its Season 9, “I Heart Ph” levels up with more and exciting segments. Isa na rito ang “Built it Right” (in partnership with Habitat for Humanity) na kung saan pag-uusapan ang pagpapagawa at pagpapaganda ng bahay. Makakasama ni Valerie ang ilang architects para mag-share ng kanilang expertise, bukod pa kay TV and event host Rovilson Fernandez.
Catch “I Heart Ph” every Sunday at 10 am on GTV, starting on September 22.
Disclaimer:
Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0966-883-2430 or email us at [email protected]