Posas

Suspek sa pagtutulak ng droga tiklo sa Cotabato

January 25, 2024 Alfred P. Dalizon 367 views

NATIKLO ng mga pulis ang suspek sa pagtutulak ng droga sa kanyang hideout sa Makilala, Cotabato noong Enero 21.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Britz Sales, hepe ng Makilala police, nahuli sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. Malasila ang police target na si alyas Pang-Ga, 39.

Nasakote ang suspek sa bisa ng isang warrant of arrest dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Kasama si Ara Casandra Concon

AUTHOR PROFILE