Suspek

Suspek sa pagpatay tiklo

April 29, 2025 Edd Reyes 76 views

ARESTADO ang 33-anyos na akusado sa pagpatay noong Lunes sa Caloocan City.

Nahuli ang akusado dakong alas-4:00 ng hapon sa 28 F. Miramonte Park Subdivision, West Brgy. 180, North Caloocan.

Natuklasan ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) director P/BGen. Josefino Ligan na sa Caloocan City nagtago ang akusadong si alyas Tata na wanted sa Bulacan sa kasong pagpatay.

Natiklo ang suspek sa warrant of arrest galing kay Malolos City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Gorgonio Balbastro Elarmo Jr. ng Branch 77 kaugnay sa kasong homicide.

Pansamantalang nakapiit sa NPD Custodial Facility Unit ang suspek habang hinihintay ang commitment order ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Malolos City Jail.

AUTHOR PROFILE