
Suspek sa pagpatay nagtago sa sementeryo, arestado
HINDI akalain ng isang 30-anyos na lalaki na masusundan siya ng mga operatiba ng MPD Malate Police nitong Lunes sa loob ng sementeryo sa 2nd Street sa Manila North Cemetery, sa Blumentritt, Sta Cruz,Manila.
Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, Manila Police District Police Station 9 commander,bandang 8 a.m. nang maaresto ang suspek na nakilalang si Alyas “Jerome” ,may asawa,residente ng nasabing sementeryo
Ang Oplan Galugad ay isinagawa ng mga operatiba bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Judge Liwliwa Hidalgo – Bucu, ng Regional Trial Court, National Capital Judicial Region Branch 34 ng Manila.
Ang suspek ay pinayagan ng korte na maglaan ng piyansang P120,000 para kanyang pansamantalang kalayaan.