Suspek1 Kinilala ni MPD Director Police Brig. General Arnold Thomas Ibay ang naarestong suspek sa kasong robbery-hold up.

Suspek sa pagnanakaw sa QC arestado ng MPD

January 5, 2025 Jonjon Reyes 157 views

NABINGWIT ng mga operatiba ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District (MPD) ang lalaking suspek sa pagnanakaw sa Iba St., Brgy. Paang Bundok, La Loma, Quezon City noong Linggo.

Nahaharap sa kasong robbery ang suspek na si alyas Jason Cruz, ayon sa mga pulis.

Bandang alas-11:45 ng umaga namataan ang suspek sa harap ng kanilang bahay kaya doon siya natiklo sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Ma. Theresa Chan-Bueno, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 5 ng Manila.

AUTHOR PROFILE