
Suspek sa ilegal na droga laglag sa shabu
NASAKOTE ng mga pulis ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District-Sta. Ana Police Station 6 ang isang suspek na tulak ng ilegal na droga Carreon St., Sta. Ana Maynila noong Lunes.
Nahuli si alyas Chris, 41, ayon kay Police Lieutenant Colonel Dionelle Brannon, hepe ng MPD-Sta. Ana Police Station 6, bandang alas-7:35 ng gabi.
Nakumpirma na sangkot sa illegal drug trading ang suspek nang subukan ng asset na bumili ng bawal na gamot sa kanya.
Nakuhanan ang suspek ng 3 sachets ng shabu na tinatayang nasa P20,400 matapos bumili ang poseur-buyer.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nasakote.