
Suspek sa 4 counts ng rape tiklo
ARESTADO ang isang lalaki dahil sa four counts ng kasong panggagahasa sa C.P. Garcia St., Brgy 110, Tondo, Manila noong Lunes.
Ayon kay Police Lieutenant Alfredo Cabingas III, hepe ng Investigation ng DSOU-MPD, bandang alas-10:35 ng umaga ng damputin ang suspek na si alyas Lawrence.
Nahuli siya sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Ana Narlea Malayas Bonifacio-Cruz, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 173.
Ipinaalam ni PSSg John Fel Faustino sa akusado ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng Konstitusyon sa Tagalog.