
Suspek sa 2 counts ng statutory rape tiklo
ARESTADO noong Miyerkules ang isang suspek sa 2 counts ng statutory rape sa Brgy. Dolores, Taytay, Rizal.
Nadakip ang akusadong si alyas Arc, 21, dahil dalawang beses ginahasa ang 13-anyos na biktima noong Mayo 27 at Mayo 30, 2024.
Kapatid ng kanyang kinakasama ang biktima, ayon kay Rizal police director P/Col. Felipe Maraggun.
Nasa kustodiya na ng Taytay police ang suspek para sa dokumentasyon ng kaso.